Marvel Rivals: Kumpletong Gabay sa mga Hero at Villain – Aling Character ang Bagay sa Iyo
Kung naghahanap ka ng kumpletong gabay sa mga bayani at kontrabida ng Marvel Rivals, hindi ka na kailangang maghanap pa. Bukod sa pagtalakay sa (sa ngayon) tatlumpu't tatlong karakter, tutulungan ka rin naming alamin kung aling karakter ang bagay sa iyo. Paano? Tatalakayin din namin ang tier list, abilities, roles, at skins. Kasama rito ang paggamit nang husto sa duelists, vanguards, at strategists. Alamin kung aling playstyle at team synergy ang pinakamahusay para sa bawat karakter para madomina mo ang Marvel Rivals na parang pro.
Paano Gumagana ang Marvel Rivals
Ang Marvel Rivals ay isang shooter game na may team composition na anim laban sa anim (6v6). (Sa ngayon) mayroon itong tatlumpu't tatlong karakter mula sa Marvel Universe. Nahahati ang mga karakter na ito sa tatlong role: Duelist, Strategist, at Vanguard. Bawat karakter ay nagbibigay sa mga teammate nila ng kakaibang abilities at playstyle.
Ang pagiging kakaiba ng abilities at playstyle ng bawat karakter ay nagbibigay sa mga player ng dinamikong posibilidad sa gameplay. Umaasa ito sa natatanging team-up mechanics na nagpapahintulot sa mga bayani na pagsamahin ang kanilang galing at gamitin ang map environment para sa kanilang kalamangan.
Ang Character Roster ng Marvel Rivals
Bawat karakter sa Marvel Rivals ay may primary attack at abilities na may limitadong charges at cooldowns. Marami rin ang may passives na lumilikha ng malalakas na combo kapag pinagsama sa active abilities. Bawat karakter ay may makapangyarihang Ultimate ability na nagcha-charge habang naglalaro at kayang magdikta ng takbo ng laban.
Nakaayos ayon sa alpabeto at ikinategorya batay sa kanilang role, narito ang 33 playable na karakter sa Marvel Rivals at kung ano ang nagpapaespesyal sa kanila:
Adam Warlock (Strategist)
Affiliation: Guardians of the Galaxy
Isa siyang cosmic support hero na nagpapanatiling buhay ang kanyang mga kakampi. Pinapayagan siya ng Quantum Magic na pagalingin ang mga teammate habang ang abilities ng Soul Gem ay kayang baligtarin ang takbo ng laban.
Black Panther (Duelist)
Affiliation: Intergalactic Empie of Wakanda
Isang maliksing melee fighter na naglalagay ng Vibranium Marks sa mga kalaban at gumagamit ng Spirit Rend para makakuha ng dagdag na health. Kailangan ng tamang timing at posisyon para maging epektibo.
Black Widow (Duelist)
Affiliation: Red Room (dating Avengers)
Isa siyang precision sniper na magaling sa malalawak na espasyo. Nagbibigay ang kanyang Edge Dancer ability ng magandang opsyon sa repositioning habang ang kanyang long-range na kakayahan ay kayang bigyan ng presyon ang mga kalabang team.
Captain America (Vanguard)
Affiliation: Avengers
Isa siyang klasikong brawler tank na magaling sa close combat gamit ang kanyang shield na kayang protektahan ang mga kakampi at makipag-engage sa kalaban. Pero kailangan niyang ingatan nang mabuti ang kanyang posisyon.
Cloak & Dagger (Strategist)
Affiliation: X-Men, New Warriors, Secret Defenders, Secret Avengers
Isang duo na karakter na nagpapalit-palit sa offensive na Cloak at healing-focused na Dagger. Mahalagang master mo ang parehong anyo para mapakinabangan nang husto ang kanilang potensyal.
Doctor Strange (Vanguard)
Affiliation: Avengers
Dalubhasa sa mystic arts na magaling sa barrier protection at tumpak na ranged attacks. Nagbibigay ang kanyang Shield of the Seraphim ng mahusay na proteksyon sa buong team.
Groot (Vanguard)
Affiliation: Guardians of the Galaxy
Isang plant-based tank na magaling gumawa ng barrier at kontrolin ang espasyo. Epektibo niyang mababantayan ang gilid at mahihirapan ang mga kalaban na sumulong.
Hawkeye (Duelist)
Affiliation: Avengers
Elite sniper na kayang pumatay agad sa isang tama mula sa mga vantage point. Napakahusay ng kanyang neutral game at malakas na ultimate, kaya isa siya sa pinakamagaling na damage dealer.
Hela (Duelist)
Affiliation: None
Siya ang Goddess of Death na may malalakas na ranged na abilidad. Kasama dito ang Nightsword Thorns at ang Queen of Hel, at ginagantimpalaan ng mga ito ang tumpak na tama ng napakalaking damage.
Hulk (Vanguard)
Affiliation: Avengers
Isang mobile na tank na may malalakas na super jump at close-combat na abilidad. Maaaring mag-transform ang Hulk na naging Bruce Banner kapag natalo, para sa pangalawang pagkakataon.
Iron Fist (Duelist)
Affiliation: Agents of Atlas
Melee combat specialist na may pambihirang mobility at close-range na damage. Magaling siyang sumugod sa likod ng linya at tumapos ng mga nakahiwalay na target.
Iron Man (Duelist)
Affiliation: Avengers
Aerial combat specialist na umaasa sa Armor Overdrive para sa pinakamataas na performance. Kailangan ng maingat na pamamahala ng mga abilidad at posisyon.
Jeff the Land Shark (Strategist)
Affiliation: None
Isang natatanging healer na may malakas na healing output at mga evasive na abilidad. Maaaring alisin ng ultimate niya ang mga kalaban sa battlefield.
Loki (Strategist)
Affiliation: None
Trickster na support na may komplikadong mekaniko, kasama ang decoy at invisibility. Puwede niyang kopyahin ang ultimate ng ibang hero para sa estratehikong bentahe.
Luna Snow (Strategist)
Affiliation: Agents of Atlas
Siya ay isang K-pop star na may pambihirang healing na abilidad at crowd control. Kaya niyang i-freeze ang mga kalaban at magbigay ng malaking team healing.
Magik (Duelist)
Affiliation: None
Isang mistikal na mandirigma na nakakagawa ng portal at nakakatawag ng demonyo. Ang Soul Sword niya ay nagbibigay ng nakawawasak na close-range na laban habang napapanatili ang magandang mobility.
Magneto (Vanguard)
Affiliation: None
Master ng magnetism na kayang kontrolin ang battlefield. Magaling sa area denial at kayang imanipula ang posisyon ng kalaban gamit ang magnetic na kapangyarihan.
Mantis (Strategist)
Affiliation: Guardians of the Galaxy
Isang empathic na support hero na nakakapagpagaling ng kakampi at nakakapagpatulog ng kalaban. Maaaring baligtarin ng ultimate niya ang takbo ng laban sa pamamagitan ng pagpapawalang-kakayahan sa maraming kalaban.
Moon Knight (Duelist)
Affiliation: None
Siya ay versatile na mandirigma na nakakakuha ng iba't ibang abilidad batay sa kanyang maraming personalidad. Kaya niyang i-adjust ang istilo ng laban sa pagitan ng ranged at melee depende sa sitwasyon.
Namor (Duelist)
Affiliation; None
Aquatic na mandirigma na may malakas na mobility sa tubig. Kaya niyang lumipat sa pagitan ng ranged at melee na istilo ng laban habang napapanatili ang mataas na survivability.
Peni Parker (Vanguard)
Affiliation: None
Isang teenager na pilot na kumokontrol sa SP//dr mech suit. Pinagsasama ang galing sa teknolohiya at spider-powers para kontrolin ang battlefield.
Psylocke (Duelist)
Affiliation: None
Psychic na assassin na may malalakas na telepathic na abilidad. Ang psi-blade at mental na kapangyarihan niya ay nakakalamang at nagtatanggal ng mga target.
(The) Punisher (Duelist)
Affiliation: New Marvel Knights
Heavy weapons specialist na may mataas na sustained damage output. Kaya niyang maglagay ng bitag sa depensa at kontrolin ang mga chokepoint nang epektibo.
Rocket Racoon (Strategist)
Affiliation: Guardians of the Galaxy
Technical na henyo na naglalabas ng iba't ibang gadget at bitag. Magaling siya sa area control at kayang magdulot ng napakalaking damage gamit ang kanyang ultimate na abilidad.
Scarlet Witch (Duelist)
Affiliation: None
Reality-warping na mage na may malalakas na crowd-control na abilidad. Kaya niyang baguhin ang battlefield at pansamantalang i-disable ang maraming kalaban nang sabay-sabay.
Spider-Man (Duelist)
Affiliation: Web-Warriors
Mabilis na web-slinger na may mahusay na mobility at crowd control. Mabilis niyang nalilibot ang battlefield at nakakapag-set up ng team plays.
Squirrel Girl (Duelist)
Affiliation: Wala
Hindi karaniwang hero na may hukbo ng mga squirrel. Taglay niya ang kamangha-manghang lakas na may kakaibang mechanics at malaking mobility.
Star-Lord (Duelist)
Affiliation: Guardians of the Galaxy
Isang versatile na fighter na pinagsasama ang gunplay at tactical abilities. Nagbibigay ang kanyang Element Gun ng iba't ibang effect depende sa sitwasyon.
Storm (Duelist)
Affiliation: X-Men
Kinokontrol niya ang panahon para pamahalaan ang mga zone sa battlefield. Magaling siya sa area denial at team support gamit ang kanyang weather effects.
Thor (Vanguard)
Affiliation: Avengers
Diyos ng kidlat na may tema mula sa Norse mythology at malalakas na area damage abilities. Kaya niyang kontrolin ang espasyo gamit ang kidlat at mga throw ng Mjolnir habang matibay din siya.
Venom (Vanguard)
Affiliation: Wala
Anti-hero na pinapagana ng symbiote, may kamangha-manghang lakas at regeneration. Nakakapag-web-swing at nakakakain ng kalaban para mapunan ang health.
Winter Soldier (Duelist)
Affiliation: (dati) Hydra
Isang eksperto na marksman na may cybernetic enhancements. Espesyal sa tuloy-tuloy na damage output at battlefield control.
Wolverine (Duelist)
Affiliation: X-Men
Maalamat na mutant na may healing factor at adamantium claws. Magaling sa close-range combat at kayang tumanggap ng malaking damage.
Pagpapaliwanag sa Marvel Rivals Roles
Duelist, strategist, at vanguard ang tatlong role kung saan nakakategorya ang mga karakter ng Marvel Rivals. Bawat role ay may ambag sa team composition. Tingnan natin ang bawat isa nang mas malalim.
Duelists
Ang mga karakter na ito ay nagbibigay ng iba't ibang damage para pwersahin ang kalaban at tanggalin ang mahahalagang target. Mula sa pinakamadaling duelist na kontrolin ng mga player hanggang sa pinakamahirap ang mga sumusunod:
- Squirrel Girl
- The Punisher
- Scarlet Witch
- Namor
- Star-Lord
- Winter Soldier
- Wolverine
- Magik
- Moon Knight
- Storm
- Black Widow
- Hawkeye
- Iron Fist
- Iron Man
- Black Panther
- Psylocke
- Spider-Man
Strategists
Sila ang mga support character na nagbibigay ng healing at buffs sa mga kakampi. Sa kabila ng suportang papel nila, kaya rin nilang lumaban nang maayos. Mula sa pinakamadaling strategist na kontrolin hanggang sa pinakamahirap ang mga sumusunod:
- Mantis
- Rocket Racoon
- Jeff the Land Shark
- Luna Snow
- Adam Warlock
- Cloak & Dagger
- Loki
Vanguards
Sila ang tank ng Marvel Rivals. Malalaki ang health pool nila at may abilities na bagay sa melee at compact na laban. Epektibo rin sila sa pagprotekta sa mga kakampi at pagkontrol ng espasyo. Mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap, ang mga vanguard ay ang mga sumusunod:
- Captain America
- Magneto
- Thor
- Doctor Strange
- Peni Parker
- Venom
- Hulk
Marvel Rivals Top Tier Heroes
Bawat karakter ng Marvel Rivals ay may tier level. Ang pinakamataas na tier level sa Marvel Rivals ay S. Ang mga playable na karakter sa listahang iyon ay kabilang sa elite na nagbibigay ng kamangha-manghang damage at palaging nangingibabaw sa kompetisyon. Anuman ang sitwasyon sa laro, mabilis nilang nakakaangkop ang sarili para mangibabaw sa battlefield, lalo na kapag hawak ng isang player na sanay at lubos na kilala ang laro. Ang mga karakter na kasalukuyang nasa S level ay:
- Doctor Strange
- Hela
- Luna Snow
- Mantis
- Moon Knight
- Psylocke
- The Punisher
- Venom
Pagkatapos ng S level ay A. Napakalakas din ng damage ng mga karakter na ito at maganda ang performance nila sa matchups, lalo na kapag hawak ng mga bihasang player. Ito ang mga karakter na nasa A-tier:
- Adam Warlock
- Captain America
- Cloak & Dagger
- Hawkeye
- Iron Fist
- Iron Man
- Loki
- Magneto
- Peni Parker
- Rocket Raccoon
- Scarlet Witch
- Spider-Man
- Star-Lord
Sunod ang mga B-tier na karakter. Maganda ang laro nila pero bahagyang kulang kumpara sa mga nasa S at A-tier. Sila ay:
- Black Panther
- Black Widow
- Groot
- Jeff the Land Shark
- Magik
- Squirrel Girl
- Storm
- Thor
- Wolverine
Panghuli, epektibo pa rin ang mga C-tier na karakter sa laro nila, pero hindi nila kasing lakas ang mga katapat nila sa mas mataas na tier. Ang mga karakter na ito ay:
- Hulk
- Namor
- Winter Soldier
Pinakamagandang Team Composition sa Marvel Rivals
Ang pinakamagandang team composition sa Marvel Rivals ay binubuo ng mga karakter na madaling makaangkop sa anumang sitwasyon sa laro. Kaya nilang diktahan ang takbo ng match. Para sa S-tier team composition, ito ang pinakamabisang karakter sa kani-kanilang papel:
Vanguards - Doctor Strange at Venom
Kayang diktahan ng portals ni Doctor Strange ang takbo ng laro, habang ang Dive-Vanguard na si Venom ay may tamang balanse ng mobility at survival. Binibigyan ng mga karakter na ito ng malaking pagkakataon ang duelists at strategists na sumikat habang nagpapatama sila ng damage at sumusuporta sa mga teammate nila.
Duelists - Hela, Moon Knight, Psylocke, at The Punisher
Ang pinakamagaling na Poke-Duelists sa Marvel Rivals ay sina Hela, Moon Knight, at The Punisher. Ginagawa silang epektibo ng versatility nila sa kahit anong sitwasyon sa laro. Samantala, si Psylocke ang perpektong mabilis na Dive-Duelist na madaling makakalibot sa malalaking bahagi ng mapa. Nagpapatama rin siya ng malaking damage gamit ang combos niya sa close at mid-range na labanan.
Strategists - Luna Snow at Mantis
Sina Luna Snow at Mantis ang pinakamagaling na universal healers at strategists sa Marvel Rivals. Mabilis ang healing nila at kaya nilang bigyan ng damage boosts ang mga teammate. Hindi rin nila kailangang makita ang mga teammate para mahilom sila. Maganda ang performance ng dalawang ito sa kahit anong team composition, at ang ultimates nila ay kayang kontrahin ang duelists at vanguards.
Higit Pa Tungkol sa Marvel Rivals Heroes at Villains
Layunin ng NetEase Games na pagandahin ang karanasan sa Marvel Rivals sa pamamagitan ng seasonal updates. Kasama sa mga update na ito ang mga bagong karakter sa roster tulad nina Blade, Dr. Doom, at Mr. Fantastic, at iba pa. Ia-announce ang mga bagong karakter ng hindi bababa sa ilang linggo bago sila idagdag sa listahan ng mga heroes at villains na nasa laro na.
Nag-aalok din ang Marvel Rivals ng iba't ibang cosmetic skins na makukuha sa pamamagitan ng battle passes, in-game store purchases, at mga special event. Binabago ng mga skin na ito ang itsura ng mga karakter pero hindi nila naaapektuhan ang gameplay.
Ang Marvel Rivals ay isang team-based shooter game na umaasa sa pagtutulungan ng mga player bilang isang unit. Mag-isa man o kasama ang mga kaibigan, magandang laro ito pang-casual man o pang-competitive. Ikaw ang bahala (gaya ng dapat). Ngayon, mag-gear up ka na, maghanda, at mag-enjoy.