Armored Core VI: Fires of Rubicon - Mecha Combat Excellence
Noong August 25, 2023, inilabas ang Armored Core VI: Fires of Rubicon bilang isang mecha-based na vehicular combat game. Ang FromSoftware ang development team habang ang Bandai Namco Entertainment ang publisher. Ito ang unang entry sa Armored Core series mula nang lumabas ang Armored Core: Verdict Day noong 2013.
Pagkalabas nito, nakabenta ang Armored Core VI: Fires of Rubicon ng mahigit 1.3 million na kopya ng Window version at naging pinakamabentang entry ng series. Hindi nagbago ang pokus ng pinakabagong kabanatang ito ng Armored Core series. Ang mga player ay gaganap bilang mga eksperto na piloto na kumokontrol sa mga mechanical warrior na kilala bilang Armored Cores.
Ang alok ng Armored Core VI ay isang napaka-flexible na modification platform na magagamit ng mga player habang dinidisenyo nila ang kanilang mech warrior. Ang layunin ay makabuo ng pinakamahusay na Armored Core na mananalo pagkatapos itong ipadala sa laban. Ang ginagawa ng Armored Core VI ay ituloy kung saan iniwan ng Armored Core: Verdict Day.
Objective
Bilang objective, may itinalagang serye ng mission ang player na kailangang kumpletuhin. Binibigyan ng in-game currency ang mga player na matagumpay na nakakumpleto nito. Hindi tulad ng mga naunang Armored Core game, walang debt system ang isang ito. Kung mabigo ang player sa isang task, hindi siya mawawalan ng in-game currency dahil dito. Pinapayagan nito ang mga player na paulit-ulit na subukan ang parehong mission hangga't kailangan nang hindi nag-aalala na mapunta sa utang.
Futuristic ang storyline ng Armored Core VI habang nagpupumilit ang sangkatauhan bilang isang interstellar na sibilisasyon. Nariyan ang Rubicon 3, isang frontier na planeta na nagtatampok ng Coral bilang energy source at data conduit. Mahalaga rin ito sa pag-unlad ng tao sa teknolohiya. Nagsimula ang Fires of Rubicon nang tumama ang isang sakuna, bilang batayan ng storyline na nagbabangga sa kasakiman ng korporasyon laban sa populasyon ng tao na nagsisikap iligtas ang natitira sa sangkatauhan.
Sa laro, ginagampanan ng player si C4-621, isang augmented na tao na lumalaban bilang piloto ng isang Armored Core kapalit ng pangakong bagong buhay. Maaga sa laro, nagiging "Raven" ang hero character matapos niyang makita at nakawin ang lisensya ng isang namatay na mersenaryo. Bukod sa objective mode, may arena mode din kung saan maaaring labanan ng isang player ang kapwa player para makita kung sino ang may pinakamahusay na Armored Core sa tinatawag na PVP match.
Ayon sa mga Reviewer
Sa kabuuan, ang Armored Core VI: Fires of Rubicon ay halos nakatanggap ng positibong review mula sa mga gaming critic. Sa mga regular na gamer, karamihan ay sumasang-ayon na sulit ang paghihintay sa larong ito. Sampung taon ang pagitan ng Armored Core: Verdict Day at Armored Core VI: Fires of Rubicon.
Kahit maganda ang mga review, iisa ang karaniwang reklamo: parang kulang ang storyline bilang isang futuristic na kuwento. Halos buong campaign na may limang chapter ay dinaanan sa pamamagitan ng radio conversation at briefing. Habang nasa laban, mahirap intindihin ang mga usapan. Bukod pa roon, parang walang lalim ang hero character. Para sa mga gamer na mahilig sa malakas na storyline, kasing-importante ito ng mismong gameplay.
Ang magagandang storyline na dala ng magagaling na character ang nagpapaalala sa atin sa isang laro. Kulang nito ang Armored Core VI kaya nadismaya ang ilang fan at critic na umasang mas marami pang lalim sa campaign. Pero para sa mga gamer na mas tinutukan ang gameplay at hindi gaanong pinansin ang storyline, sobrang galing ng pinakabagong chapter na ito sa Armored Core series.
Sa Huli…
Sa kabuuan, positibo ang mga review. Tulad ng dati, hindi lahat ay magkakasundo sa kung ano ang gumagana para sa kanila at kung ano ang hindi. Sa usapin ng mechanics, malaking laro ang Armored Core VI: Fires of Rubicon. Ang arena mode ang siguradong pinakamalaking highlight dahil maghaharap ang mga player para malaman kung sino ang pinakamagaling na mech warrior. Para sa kanila, mas masaya ang harapin ang isang hindi mahuhulaang player kaysa sa computer.Sa huli, nakadepende ito sa panlasa. Bilang gamer na mahilig sa magandang storyline na isinalaysay ng dynamic na mga character, medyo nakakabagot para sa akin ang campaign mode ng Armored Core VI. Pero iba ang karanasan sa gameplay dahil nag-enjoy ako rito. Sa arena mode naman, bagay ito sa mga player na may competitive edge at gustong malaman kung sila nga ang pinakamagaling na Armored Core pilot sa laro.
armor2.png 2.91 MB
armor1.png 439.46 KB