link ng blog boosting
General

Payday 3: Boom o Bust ba ang Heist Sequel sa Gaming Industry?

Payday 3: Boom o Bust ba ang Heist Sequel sa Gaming Industry?
Payday 3: Boom o Bust ba ang Heist Sequel sa Gaming Industry?

Boom o bust ba ang Payday 3 para sa mga miyembro ng gaming industry?  Nakatakdang ilabas sa September 21, 2023, ang first person shooter game na ito na dinevelop ng Starbreeze Studios at pinublish ng Deep Silver.  Ito ang sequel ng Payday 2, na dinevelop ng Overkill Software at pinublish ng 505 Games noong 2013.



Game Changers

pd3.jpg 580.67 KB

Nang ilabas ang Payday 2, idinisenyo ito bilang isang cooperative first person shooter game na sequel ng Payday: The Heist noong 2011.  Pagkatapos itong ilunsad noong 2013, may remastered na bersyon ng laro na pinamagatang Crimewave Edition na inilabas noong 2015 para sa PlayStation 4 at Xbox One.  Noon, hindi pa nakukuha ng Starbreeze Studio ang rights ng Overkill Software at ng intellectual property nito.  Matapos gumastos ng $30 million USD noong 2016, available na rin ang Payday 2 sa mga may Nintendo Switch simula 2018.


Noong March 2021, tumulong ang Plaion para masiguradong may development, marketing, at support ang Payday 3 sa launch at post-launch nito.  Sa ngayon, gamit pa ng Payday 3 ang Unreal Engine 4, pero may upgrade sa Unreal Engine 5 pagkatapos ilunsad ang laro.  Dahil dito, magkapareho ang gameplay mechanics ng console versions at ng PC version ng Payday 3. 



Boom o Bust?

pd33.jpg 464.86 KB

Ayon sa mga gamer at reviewer na nakasubok ng early access sa Payday 3, maaaring ituring na isang magandang karanasan o isang mahirap na karanasan ang pinakabagong edisyon ng Payday series.  Ayon sa isang reviewer, sobrang hirap ng laro dahil sa ilang detalye na nag-alis ng entertainment value nito.  Pero ayon sa isa pang reviewer, bahagi ng ganda ang pagdaan sa isang heist na may sunod-sunod na pangyayari para mas maging mahirap ang gaming experience.


Tulad ng nauna rito, nakadepende ang Payday 3 sa pagtutulungan ng mga player na kasama sa isang heist. Gaya sa totoong buhay, kapag hindi kayang magkaisa ng mga kasama bilang iisang team, talo na sila. Dapat magkaintindihan ang lahat sa bawat sandali. Para sa mga gamer na magaling sa teamwork, maganda ang Payday 3.


Pero kung wala kang pasensya o kasama mo ang tatlong taong kumikilos na parang noob, baka hindi ka masyadong masiyahan sa paglalaro nito. Hindi rin opsyon ang mag-solo. Walong magkakaibang heist ang inaalok ng laro pagkalabas nito. Mas kaunti ito kaysa sa labindalawang mapa ng Payday 2, pero mukhang mas malawak ang bawat isa. May mga bangko, daungan, at skyscraper na nagtatakda ng setting ng bawat heist.



Hostages at Negotiations

pd32.jpg 70.26 KB

Ang inaalok ng Payday 3 sa mga player ay ang pagkakataong kumuha ng hostage at gamitin sila bilang pang-negosasyon sa kalaban. Sa storyline ng laro, pinilit na bumalik sa paglalaro ang crew mula sa Payday 2 para sa kahit isang huling heist, this time sa New York City at hindi sa Washington, D.C. Sampung taon ang mahaba para mawala sa laro, kumbaga, at marami nang nagbago pagdating sa banking sa United States. Para makapag-pull off ng kahit anong heist, kailangang ibigay ng team ang “A-game” nila.


Habang naghihintay ang mga gamer sa opisyal na paglulunsad ng Payday 3, may mga inaasahang kailangang isaalang-alang ng Deep Silver at ng development team ng Starbreeze Studios. Bilang gamer, ayaw ng mga tao na maging hostage sila pagdating sa online gaming. Ibig sabihin, gusto nila ng larong gumagana nang maayos at may pinakakaunting bug hangga’t maaari. Gusto rin nilang marinig ang boses nila tuwing magrereklamo sila tungkol sa isang bagay. Basta makatwiran ang mga alalahaning ito, responsibilidad ng support team ng Payday 3 na tiyaking natutugunan at naaasikaso nang maayos ang bawat isa.


Magiging boom o bust ba ang Payday 3 bilang laro? Gaya ng dati, panahon ang magsasabi, gayundin ang mga miyembro ng gaming community dahil hindi sila nagpipigil sa pagsasabi ng opinyon nila tungkol sa kahit ano, mabuti man o masama.


Tags:
Payday 3
Starbreeze Studios
Deep Silver
First Person Shooter
Cooperative Gameplay
Heist Sequel
Unreal Engine 5
Gaming Reviews
Cooperative Multiplayer
Heist Challenges
Game Mechanics
Hostages and Negotiations
Online Gaming Experience
Gaming Community
Payday Series
Gaming Expectations
Game Development
Video Game Release.
link ng blog account