EB24 tungkol sa Valorant #2, Patch Notes 3.0 - Inihanda ni EB24 AndreSG
Ang paksa natin ngayon ay ang Valorant patch notes 3.0! Sa blog na ito, titingnan at magko-comment kami sa mga pagbabago sa weapons at agents kaya tuloy lang sa pagbasa para malaman mo pa!
AGENT UPDATES
- Ang signature abilities ngayon ay nagbibigay lang ng minimum na isang charge kada round, sa halip na mag-ipon ng charge kada round.
- Halimbawa, kung may two charge signature ability ka at may isang charge na natira sa dulo ng round, hindi ka makakakuha ng dagdag na charge
- Ang charges na nakukuha mula sa cooldowns ay palaging pansamantala na ngayon
- Mas mabilis nang bumabalik ang visibility sa fadeout period ng lahat ng flashes
Halos lahat ng abilities ay binago at mas kakaunti na ngayon, kaya mapipilitan ang laro na maging mas shooting-focused na gameplay, katulad ng Counter-Strike. Dahil din sa dami ng chances, mapipilitan ang player base na muling matutunan ang laro.

ASTRA
Nova Pulse (Q)
Tumaas ang cooldown time mula 12 >>> 25
Gravity Well (C)
Tumaas ang cooldown time mula 12 >>> 25
Stars/Astral Form (X)
Hindi na aktibo ang Stars kapag inilagay sa buy phase
Kapag bumaba ang barriers, mag-c-charge muna ang kanyang Stars nang 1.4 seconds bago maging aktibo at magamit.
Sa Attack, makikita na ngayon ni Astra ang lokasyon ng Spike sa Astral form
Hindi gumagalaw ang representasyong ito kaya hindi ito magbibigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa status ng Spike.
Tumaas ang recall cooldown mula 8 >>> 15
Bumaba ang granted signature charges mula 2 >>> 1
Bumaba ang star cost mula 200 >>>150
Malaki ang overall nerf ni Astra at hindi na siya makakapang-bully ng kalaban sa simula ng round. Mas hindi na rin fluid at mas committed na ang gameplay niya, kaya kailangan nang mag-isip nang dalawang beses ng Astra players bago maglagay ng star.

BREACH
Flashpoint (Q)
Bumaba ang total charges mula 3 >>> 2
Tumaas ang cost mula 200 >>> 250
Bumaba ang projectile speed mula 2500 >>>2000
Fault Line (E)
Bumaba ang full charge time mula 1.5 >>> 1 second
Tumaas ang width mula 600 >>> 750
Bumaba ang telegraph windup time mula 1.3 >>> 1
Tumaas ang concussion duration mula 3 >>> 3.5
Bumaba ang unequip time pagkatapos mag-fire mula 1 >>> .7
Tumaas ang cooldown time mula 35 >>> 40
After Shock (C)
Ngayon ay sumasabog nang 3 beses, at bawat blast ay nagdudulot ng 60 damage nang walang fall off. Ang mga blast ay .6 seconds ang agwat
Tumaas ang explosion radius mula 260 >>> 300
Bumaba ang unequip time pagkatapos mag-fire mula 1.1 >>> .9 seconds
Tumaas ang cost mula 100 >>> 200
Rolling Thunder (X)
Tumaas sa 2300 ang width ng lahat ng explosions, na siyang dating width ng final explosion
Breach ay may mas flexible na paraan ng paggamit ng kanyang mga ability, at hindi na kailangang maging sobrang maingat sa kanyang posisyon dahil sa mas maikling unequip time pagkatapos niyang paputukin ang mga ito. Tingin namin ito ay isang pangkalahatang buff, at karapat-dapat siya rito dahil unti-unti na siyang nawawala sa metaplay. Ang kanyang Rolling Thunder ay kaya na ngayong ganap na takpan ang ilang spike site, na magreresulta sa mga kahanga-hangang mabilisang execute.

BRIMSTONE
Incendiary (Q)
Tumaas ang cost mula 200 >>> 250
May maliliit na pagbabago para sa ating friendly commander, pero maayos naman ito dahil nakatanggap ng malalaking pagbabago sa economy kit ang ibang smoke agent. Malamang na dahil sa malalaking nerf na natanggap ng iba pang ground control ability kaya nakatanggap din ng nerf ang Incendiary.

CYPHER
Neural Theft (X)
Bumaba ang ultimate points na kailangan mula 7 >>> 6
Sobrang laking pagbabago para sa ating masked friend na madalas api-apihin. Sobrang situational ng paggamit ng Neural Theft para sa halaga nito, at siguradong babalik siya sa meta play pagkatapos ng mga pagbabago sa interaction, dahil nasa pagitan niya at ng Tailwind ni Jett ang pagbabago.

JETT
Updraft (Q)
Tumaas ang cost mula 100 >>> 150
Tailwind (E)
Hindi na nito sinisira ang Trapwire ni Cypher
Cloudburst (C)
Tumaas ang cost mula 100 >>> 200
Bladestorm (X)
Tumaas ang ultimate points na kailangan mula 6 >>> 7
Ang pangkalahatang nerf kay Jett ay dahil sa malaking economic buff ng Operator. Sobrang dali kung mabilis na makakabuo ng economy gamit ang Operator na nagkakahalaga ng 4700 credits.

KILLJOY
Alarmbot (Q)
Tumaas ang cooldown pagkatapos kunin mula 7 >>> 20
Turret (E)
Tumaas ang cooldown pagkatapos kunin mula 10 >>> 20
Ang nerf kay Killjoy, gaya ng iba, ay ginawa para bigyang-katwiran ang pagdating ng bagong agent na si Kay/O. Sobrang dali kung ililipat niya ang kanyang mga setup para iwasan ang suppression nito.

OMEN
Paranoia (Q)
Presyo nabawasan 400 >>> 300
Dark Cover (E)
Nabawasan ang granted signature charges mula 2 >>> 1
Kailangan nang bilhin ni Omen ang pangalawa niyang smoke sa halagang 100
Tumaas ang cooldown time mula 35 >>> 40
Shrouded Step (C)
Tumaas ang presyo mula 100 >>> 150
Sa wakas, may kaunting economic flexibility na si Omen. Dati, sobrang nakasentro ang eco-management niya sa Paranoia. Ngayon, may mga pagpipilian na siya kung ano ang bibilhin at hindi bibilhin.

PHOENIX
Curveball (Q)
Tumaas ang presyo mula 200 >>> 250

REYNA
Leer (C)
Tumaas ang presyo mula 200 >>> 250
Habang nagiging mas maaasahan ang shooting sa laro, mananatiling halos hindi nagbabago ang mga non-diving duelist natin dahil bibigyan na sila ng laro ng pagkakataong umarangkada bilang tanging duelist ng ilang composition.

SAGE
Slow Orb (Q)
Tumaas ang presyo mula 100 >>> 200
Barrier Orb (C)
Tumaas ang presyo mula 300 >>> 400
Resurrection (X)
Tumaas ang ultimate points na kailangan mula 7 >>> 8
Isa na namang nerf para sa Sage natin! Sobrang mataas ang pick rate niya at mukhang hindi pa humihina anumang oras, dahil literal niyang nababago ang hugis ng mapa at nakaka-lock ng ilang setup point, kaya napapatibay ng team niya ang natitirang bahagi ng mapa.

RAZE
Model Update
Na-update ang model gamit ang polish pass
Boombot (C)
Tumaas ang presyo mula 200 >>> 400
Showstopper (X)
Tumaas ang ultimate points na kailangan mula 7 >>> 8
Si Raze ay may bagong damit at malalaking nerf sa anti-entrenchment na bahagi ng kanyang kit. Ang showstopper niya ay nakatanggap din ng Bladestorm treatment dahil sobrang dalas itong lumalabas sa mga laro.

SKYE
Trailblazer (Q)
Vision radius tumaas 1750 >>> 2250
Max concussion duration tumaas 3 >>> 4
Cost tumaas 200 >>> 250
Guiding Light (E)
Charges nabawasan 3 >>> 2
Ang charges ay nire-replenish na ngayon sa 40-second cooldown
Hindi na kailangang mag-re-equip ni Skye para ma-trigger ang flash niya
Ang projectile ng Guiding Light ay mas mahigpit nang dumadaan sa mga sulok kapag malayang lumilipad at mas sumusunod sa guiding
Audio attenuation kapag na-cast nabawasan 3250 >>> 1250
Cost ng charges tumaas 100 >>> 250
Si Skye, bilang flashing initiator, ay isa sa mga agent na nakakuha ng pinakamalaking pagbabago. Mas maraming playmaking na pagkakataon ang mabubuksan para sa kanya, pero mas lalakas din ang support gameplay niya dahil mas mahirap nang iwasan ang Guiding Light.

SOVA
Shock Dart (Q)
Cost tumaas 100 >>> 150
Recon Bolt (E)
Cooldown time tumaas 35 >>> 40
Owl Drone (C)
Cost tumaas 300 >>> 400
Hunter’s Fury (X)
Ultimate points na kailangan tumaas 7 >>> 8
Nakatanggap si Sova ng ilang simpleng pagbabago para umangkop sa bagong economic habitat. Nakatanggap ng pagtaas sa ulti point ang Hunter's Fury dahil sa parehong dahilan ng Bladestorm at Showstopper.

VIPER
Snakebite (C)
Duration nabawasan 8 >>> 6.5
Mas mabilis nang nabubuo ang mga panlabas na gilid ng acid patch ni Viper para siguradong nakamamatay ito kung may kalaban na nakatayo rito sa buong tagal
Cost tumaas 100 >>> 200
Nakita namin ang malaking muling pagsikat ng popularidad at lakas ni Viper, lalo na sa pagpapatigil ng mga kalaban at pagpigil sa defuse. Umaasa kaming bahagyang mapababa ang ganitong kakayahan sa pagpapatigil.

YORU
Blindside (Q)
Cost naging 200 >>> 250
Gatecrash (E)
Cooldown time naging 35 >>> 40
Sa tingin ko kailangan ding mag-adapt ni Yoru sa bagong kabuuang takbo ng laro, pero huwag mo masyadong alalahanin ang lagay niya dahil naipahayag na ang rework niya.
WEAPON UPDATES
ALL WEAPONS
Nagbago ang bullet tagging mula 75% slow >>> 72.5% slow
Ang “tagging” ang slowing effect na mararamdaman mo kapag natamaan ng bala
Nagbago ang weapon deadzones mula 30% >>> 27.5%
Ang “deadzone” sa VALORANT ay tumutukoy sa bilis ng paggalaw kung kailan nawawalan ng katumpakan ang player
ALL RIFLES
Nagbago ang walking inaccuracy mula 1.3 >>> 2.0
Running nanatili sa 5.0
ALL HEAVIES
Nagbago ang walking inaccuracy mula .5 >>> 2.4
Running nanatili sa 6.0
ALL SMGS
Nagbago ang walking inaccuracy mula .3 >>> 1.0
Nagbago ang running inaccuracy mula 2.0 >>> 2.5
CLASSIC
Nagbago ang walking inaccuracy mula .25 >>> .84
Nagbago ang running inaccuracy mula 1.5 >>> 2.1
FRENZY
Nabawasan ang presyo mula 500 >>> 450
Nagbago ang walking inaccuracy mula .25 >>> .8
Nagbago ang running inaccuracy mula 1.0 >>> 2.0
GHOST
Nagbago ang walking inaccuracy mula .25 >>> .92
Nagbago ang running inaccuracy mula 1.85 >>> 2.3
SHERIFF
Nagbago ang walking inaccuracy mula .25 >>> 1.2
Nagbago ang running inaccuracy mula 2.0 >>> 3.0
JUDGE
Tumaas ang presyo mula 1600 >>> 1850
Nagbago ang damage falloff sa 10m mula 13 per pellet >>> 10 per pellet
Nagbago ang damage falloff sa 15m mula 10 per pellet >>> 7 per pellet
Gusto naming maging nakakawasak, multi-fragging, at close range na opsyon ang Judge, at naniniwala kaming medyo mas premium ito kaysa sa dati naming pagkilala rito. Mas maganda rin ang performance nito sa malayo kaysa sa inaasahan kaya binabawasan namin iyon nang kaunti.
BULLDOG
Tumaas ang hip-fire (full auto mode) firing rate mula 9.15 RPS >>> 9.5 RPS
Nabawasan ang presyo mula 2100 >>> 2050
Medyo kulang sa lakas ang bulldog sa close at mid range na laban kung saan hip fire ang madalas gamitin. Kaya binibigyan namin ito ng kaunting dagdag na firing rate para makipagsabayan, at ibinababa ang presyo para mas maging kaakit-akit bilhin.
SHORTY
Nabawasan ang presyo mula 200 >>> 150
STINGER
Nabawasan ang presyo mula 1100 >>> 950
BUCKY
Nabawasan ang presyo mula 900 >>> 850
MARSHAL
Nabawasan ang presyo mula 1000 >>> 950
ARES
Nabawasan ang presyo mula 1600 >>> 1550
OPERATOR
Nabawasan ang presyo mula 5000 >>> 4700
GUARDIAN
Nabawasan ang presyo mula 2400 >>> 2250
Sa madaling salita, asahan mong mas marami kang makikitang Operator, Bulldog, at Guardian dahil madali silang bagay sa bagong economic system, at maaaring hindi na malaking problema ang run and gun (siguro?). Sa wakas, nakuha na rin ng Judge ang Bucky treatment na inaasahang mangyayari.
COMPETITIVE UPDATES
Para sa Episode 3, ang pangunahing pokus namin sa Ranked ay ang katumpakan at pagiging patas ng matchmaking. Sinuri namin ang system namin at gumawa kami ng ilang malalaking pagbabago na dapat magpaganda sa mga ito para sa iba’t ibang klase ng player. Hindi na namin ilalabas ang lahat ng sikreto, pero gusto naming ibahagi ang ilan sa mga aasahan mo sa Episode 3.
Ito ang mga pangunahing layunin namin para sa player experience:
Gusto naming ang mga panalo ang pinakamahalaga, sa lahat ng antas ng skill.
Gusto naming pagandahin ang pagsusuri sa individual performance dahil nanininiwala kaming nakakatulong ito para makabuo ng mas patas at balanseng laban.
Gusto naming makita mo ang rank mo bilang tapat na representasyon ng kasalukuyang skill mo.
Gusto naming mas kaunti na ang dahilan para maglaro ka sa ibang account, at mas mabilis mong maabot ang tamang rank mo.
Ito ang ilan sa aasahan mo sa mga pagbabago namin:
Nabawasan ang posibilidad na maramdaman mong “hard stuck” ka sa mga lumang account. Kung gumaling ka, dapat ipakita iyon ng rank mo, anuman ang edad ng account.
Gagaling ang katumpakan ng matchmaking sa lahat ng rank, na dapat magpakinis ng ranked climb mo at magpababa ng lakas ng pag-angat at pagbaba mo sa rank
Habang ang pagkapanalo pa rin ang pinakamahalagang salik, isasaalang-alang na rin ang individual performance para mapaganda ang matchmaking sa Immortal+
Dapat itong magresulta sa mas magagandang laban sa pinakamataas na antas.
Mas maliit na ang epekto ng mga malalapit na laro sa pagtaas at pagbaba ng rank rating
Inayos namin ang aming Rank Rating curves, kaya mas hindi na biglaan ang pag-akyat (o pagbaba) mo
Na-update ang Rank distribution
Itinaas sa Diamond 1 ang mga placement
Dapat nitong mabawasan ang grind para sa mga player namin sa itaas
Plano naming bantayan ang mga pagbabagong ito kapag nasa live servers na, at siyempre, gagawa kami ng karagdagang adjustment kung kinakailangan. Excited kaming mapunta na ito sa mga kamay mo, at pakisuyong patuloy kang magbigay ng feedback tungkol sa karanasan mo sa buong Episode 3!
Hindi na gaanong mahalaga ang edad ng account mo kumpara noon. Bukod doon, hindi na rin magulo ang mga lobby gaya ng dati dahil sa bagong system na ito.
PERFORMANCE UPDATES
Excited kaming maghatid ng malalaking pagpapabuti sa 3.0! Ang gawaing ito ay bunga ng malaking pagsisikap at pakikipagtulungan sa nakaraang ilang buwan ng maraming team sa VALORANT. Ang performance ay napapanalunan sa maliliit na detalye, at karaniwan ay maliliit at unti-unting pagbabago lang ang kaya naming ibigay. Sa pagkakataong ito, sabay-sabay na nagsama-sama ang marami sa mas maliliit naming item.
Maaaring makakita ng hanggang 6% na pagtaas sa performance ang mga player na may katamtaman hanggang mataas na spec na makina (CPU bound systems) dahil sa mga sumusunod na gawain:
Pinabuting clipping plane calculations gamit ang multithreading
Pinabuting thread utilization sa maraming core para sa mga distributed na gawain
In-optimize ang camera calculations
In-optimize ang ambient audio para sa bawat map
Ayos para sa Character Ability HUD invalidation box
Pangkalahatang optimization para sa lahat ng ability animation
SOCIAL UPDATES
Nagdagdag ng Hover Cards sa social panel
I-hover ang mouse sa friends list mo para mabilis na malaman ang higit pa tungkol sa mga player na idinagdag mo.
Maaari ka na ngayong mag-invite sa party gamit ang Riot ID sa custom game
Mga pagpapaganda sa kalidad ng laro na hindi namin hiniling pero laging welcome!
GAMEPLAY TECHNOLOGY
KILLFEED
Makakakuha ang mga kill mo ng karagdagang naka-highlight na border para tumingkad ang mga ito
Ipapakita rin ang kill assists sa kaliwa ng mga entry sa killfeed
Ang killfeed ay magpapakita rin ng naka-highlight na border para sa assist portrait mo
Magpapakita ang killfeed ng ilang ultimate ability kapag may player sa alinmang team na napatay sa second-life state o na-revive
Halimbawa: ang player resurrection ni Sage o ang pagkamatay ni Phoenix habang gamit ang kanyang Run It Back ability.
Nagdagdag ng multi-colored killfeed sa mga pagkakataong magkatabi sa killfeed ang kulay ng parehong team dahil sa kills
Ganda nito at mas madaling mapansin gamit ang peripheral vision mo!
ROUND ROLLBACK
Pinapayagan ng feature na ito na ibalik ang laro sa simula ng nakaraang round at i-replay ang laro mula roon
Para i-enable ang feature, pumunta sa “Options” habang nagse-set up ng Custom Game at i-toggle ang “On” sa Tournament Mode
Puwedeng mag-activate ng rollback ang mga moderator
Kapag naka-enable ang Cheats bilang option ng Custom Game, puwedeng mag-activate ng rollback ang lahat ng player.
Habang nasa match, makikita ang Round Rollback feature sa “Cheats” section ng Menu.
Nagdagdag ng kakayahang i-toggle on at off ang outer crosshair lines!
Inayos ang assist timings at thresholds para sa utility-based assists para mas maging consistent ang mga ito sa iba’t ibang Agent ability.
PROGRESSION UPDATES
Happy anniversary VALORANT! Para i-celebrate ito, nagdagdag kami ng bagong Year One Event Pass—katulad ito ng Battlepass pero libre ito at may mga talagang astig na goodies.
Aktibo ito sa buong panahon ng Patch 3.0 at magtatagal lang hanggang ma-live ang 3.01. Kaya tandaan mong kunin ang goodie bag mo bago matapos ang party.
Ano ba ang party kung walang kaibigan? Nagdagdag din kami ng Squad Boost: Makakakuha ka ng dagdag na XP kapag naglaro ka kasama ang premade group.
+8% boost para sa isang dagdag na player, +12% para sa dalawa, +16% para sa tatlo, at +20% para sa buong squad.
Aktibo rin ito sa buong panahon ng 3.0.
Idinadagdag din namin nang permanente ang Account Leveling: Bagong paraan para kilalanin at gantimpalaan ka sa oras na inilalaan mo sa paglalaro sa lahat ng VALORANT game mode.
Ipapakita na ng Player Card ng account mo ang numerical level batay sa dalas mong maglaro.
Bukod diyan, made-boost ka rin sa isang level base sa dami ng larong nalaro mo bago ang Patch 3.0.
BUGS
AGENTS
Ang mga character na naapektuhan ng Barrier Orb ni Sage kapag na-resurrect ay sisirain na ngayon ang pader para tiyaking hindi sila maitutulak sa loob ng map geo
Inayos ang Seekers ni Skye na lumalabas sa minimap kahit hindi sila nakikita ng kalaban
Inayos ang ultimate ni Viper na hindi lumalabas bilang active sa team UI kapag nakataas ang Viper’s Pit
Inayos ang bug kung saan puwedeng ilagay ang Spy Camera ni Cypher sa loob ng map sa mid ng Icebox
Inayos ang bug kung saan hindi mabibili ulit ang Dismiss ability ni Reyna kapag isinara at binuksan muli ang Buy Menu sa parehong Buy Phase
Inayos ang bug kung saan ang pagkansela sa Hunter’s Fury ni Sova habang nagca-charge ng shot ay nagpapahintulot sa player na laktawan ang unequip animation sa pamamagitan ng pag-equip ng weapon, ability, o Spike
Inayos ang bug kung saan ang pagkuha ng TrapWires/Cages ni Cypher at Nano Swarms ni Killjoy habang nasa Buy phase ay pumipigil sa pagbili ng pangalawang charge
COMPETITIVE
Inayos ang bug na nagdudulot ng pagkaantala sa mga kamakailang update ng Ranked Rating sa Competitive game sa Match History
Inayos ang visual bug sa Career screen na lumalabas sa mga nag-drop out ng Immortal
Inayos ang bug na nagiging sanhi ng walang katapusang pag-load ng career ng kaibigan
SOCIAL
Inayos ang bug kung saan nagsasama-sama ang mga pangalan ng kaibigan sa social panel kapag nakikipag-interact ka sa kanila, kaya minsan nagkakagulo ang mga letra. Wala nang word scramble!
CONTENT SUPPORT
Inayos ang isyu na nagdudulot ng hitch kapag tinitingnan ang mga skin sa Collection
GAMEPLAY TECHNOLOGY
Inayos ang bug kung saan hindi gumagana ang inner crosshair toggle feature
Inayos ang bug kung saan hindi nabibigyan ng tamang karakter ang AOE kills kapag nasa debuffed state ang kalaban
Inayos ang bug kung saan hindi nagsi-sync ang pulse ng Spike icon at ang beeping sound
Inayos ang bug kung saan minsan hindi lumalabas ang progress bar ng Ally defuse
Inayos ang bug kung saan walang team colors ang Observer’s Killfeed
Binawi ang ayos namin para sa “swirly arms” sa nakaraang patch, dahil nagdudulot ito ng malaking animation snapping
Ito na ang huli para sa patch ng Valorant, sa wakas may malalaking pagbabago at bagong direksyon para sa laro! Tingnan natin kung ano ang epekto nito sa competitive scene at pati na rin sa casual scene! Manatiling nakasubaybay sa social media namin sa ibaba para malaman ang lahat tungkol sa lahat ng larong gusto mo!
Instagram | Facebook Page | Twitter | Facebook Group | Discord Server